Wala kayong pakialam! Pangulong Duterte binanatan ang mga kritiko na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya

Wala kayong pakialam! Pangulong Duterte binanatan ang mga kritiko na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang tungkol sa sekretong paglabas ng bansa umano ni Pangulong Duterte upang magpagamot sa ibang bansa.

Marami ang bumatikos sa Pangulo dahil tila iniiwan umano nito sa ere ang bansa kahit na nasa kalagitnaan ng pandemya ang Pilipinas.

Ngunit nitong Lunes ng gabi, sinagot ni Pangulong Duterte ang mga haka-haka at mga maling impormasyon na ipinapakalat ng kanyang mga kritiko sa social media.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya umalis ng bansa at hindi siya nagpapagamot ng sekreto sa Singapore.

Sinabi rin nito na hinding hindi niya isesekreto kung aalis umano siya ng bansa dahil wala umano siyang tinatago na sekreto.

Kung sakali umanong lumabas ng bansa si Pangulong Duterte, malalaman umano ito ng publiko dahil ni minsan hindi niya umano gawain ang mag sekreto.

“If i want to go to Singapore I will go to Singapore. Kung gusto kong umalis aalis ako, I do not have to keep it a secret because i will not be using any government funds. Hindi ko ugali ‘yan.” saad pa ng Pangulo.

“I will not be stupid to use government funds. So stop this nonsense about me going to Singapore. Kung gusto ko pupunta ako, wala kayong pakialam.” dagdag pa ng Pangulo.

“I am under no obligation to travel in secret and not telling the republic at all. I am a citizen of this country, the right to travel is guaranteed. If it’s guaranteed for you, it’s guaranteed for me,” giit pa ni Duterte.

WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address | August 17, 2020

WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address | August 17, 2020

Posted by PTV on Monday, August 17, 2020