Walang kredibilidad! Sen. Bato Dela Rosa binanatan si Mon Tulfo: “Hindi ko alam saan galing ang galit niya sa akin”

Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang tungkol sa naging artikulo ni Ramon Tulfo laban kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ayon sa kanyang naging artikulo, sinabi ni Tulfo na nagmamay-ari umano ng isang ‘mansion’ si Senador Bato Dela Rosa sa isang exclusive subdivision sa Silang, Cavite.

Ayon sa kanyang column sa Manila Times, sinabi umano ng kanyang source na nagmamay-ari ang senador at ang kanyang pamilya ng isang bahay sa South Forbes Mansions sa bayan ng Silang.

Dahil dito, agad na pinabulaanan ng senador ang alegasyon sa kanya ni Ramon Tulfo at sinabing hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Tulfo.

“Deadma mo na lang ‘yan. Wala naman ‘yang credibility. Puro libel ang kaso niyan,” saad ng senador.

“Sabihan mo siya I am inviting him to come and see my rented house if it would qualify as a “mansion” per his standard,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Tulfo sa kanyang artikulo na ang anak umano ng senador na si Rock na isang kadete ng PNPA ay di umano’y bumagsak sa apat na subject sa unang taon palang sa PNP, ngunit pinayagan pa rin umano itong manatili sa akademya.

Kaya naman agad na sinagot ng senador ang alegasyon ni Tulfo at sinabing isa umanong insulto sa PNPA administrastion ang mga sinabi ni Tulfo.

“His allegation against cadet Rock dela Rosa is a big insult to the PNPA administration. He should show proof on his allegations otherwise he is just a plain tsismoso. I don’t want to add to his libel cases,” saad pa nito.

Wala rin umanong alam si Sen. Bato Dela Rosa kung bakit pinagiinitan siya ngayon ng batikang kolumnista.

“Maybe. Wala akong maalalang offense ko sa kanya. I have never talked to him. Hindi ko alam saan galing ang galit niya sa akin,” sagot pa ng senador.