WATCH!: Netizen na surprisa matapos ipalabas sa national TV ang viral video ni Jim Paredes

Netizen na surprisa matapos ipalabas sa national TV ang viral video ni Jim Paredes

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa naging pagpapalabas ng viral video ni Jim Paredes sa isang TV station.

Laking gulat ng netizen ng makita niya ang viral video ng batikang mangangawit na si Jim Paredes sa DZRH News na may pamagat na ‘Di niyo ba naririnig’ parody.

Kaya naman agad niya itong nirecord at ibinahagi sa social media at agad na naglabas ng pahayag ng kaniyang pagkadismaya sa naturang istasyon.

Ayon sa mga taga suporta ni Jim Paredes, nakakadismaya umano ang ginawa ng DZRH News dahil hinayaan nilang ma-eri ang private video ni Paredes.

Tinawag ng mga netizen ang ginawang ito ng DZRH na isang ‘unethical’ dahil isa umano itong paninira sa isang tao.

Matatandaan na isa si Jim Paredes sa mga kritiko ng administrasyong Duterte, Noong 2019 inamin ni Paredes na ang kumakalat na video ay totoo ay isa itong private video.

“The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work.” saad pa ni Paredes.

“I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility,” dagdag pa nito.

Oh Em Jeee… lumabas si Jim Paredes sa DZRH. 😁

Posted by Opinion PH on Wednesday, July 29, 2020