WATCH: Pastor Quiboloy sinagot na ang hamon ni Vice Ganda: “Baka pati ang network mo stop na yan”

Matatandaan na naging viral sa social media ang naging pahayag ng isang sikat na komedyante na si Vice Ganda ng ‘Its Showtime’ na kung saan hinamon nya Pastor Apollo Quiboloy na pahintuin ang programang ‘Ang Probinsyano’ at ang traffic sa EDSA.

Hinamon ng komedyante na si Vice Ganda ang naturang Pastor na kung kaya niyang pahintuin ang lindol sa Mindanao, ay dapat kaya niya rin raw umano pahintuin ang Trapik sa EDSA at pati narin ang programang “Ang Probinsyano”.

“Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.” sabi ni Vice Ganda sa noon-time show na It’s Showtime.

“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!” giit pa ng komedyante na si Vice Ganda.

“Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun,” dagdag pa nito.

Ang naturang hamon ng komedyante ay agad namang sinagot ni Pastor Quiboloy at sinabing baka hindi lang ang ‘Ang Probinsyano’ ang mahihinto pati ang network ng komedyante mismo na ABS-CBN.

“Bakit naman tayo dumating dyan, para lindol lang yung pina-stop ko, e dumating pa yung challenge na ipa stop ko raw yung ang Probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gusto mapa-stop ang probinsyano?.” Sagot ni Pastor Quiboloy.

“Ikaw pumili ka, isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan o apat na buwan, baka sa apat na buwan hindi lang ang probinsyano ang ma-stop. Baka pati ang network mo stop na yan.” dagdag pa ni Pastor Quiboloy.

Hinikayat rin ni Pastor Quiboloy ang mga nasa industriya ng entertainment na gamitin ang kanilang industriya para tumulong sa mga nangangailangan.

“Kayong nasa entertainment at network niyo ay sikat, think about helping humanity. think about being an example to others.” sabi ni Pastor Quiboloy.

Sinabi pa nito na mas gusto niya ang programa ng GMA7 na ‘Eat Bulaga’ dahil sa kanilang tinutulungan at pinapagawang paaralan para sa mga tao.

“Alam nyo kung bakit mahal ko si bossing Vic Sotto, pati yung programa nyang Eat Bulaga. Tingnan nyo ang mga ginagawa nila para sa tao. Hindi sila nagpapatutsada, gumagawa sila ng paaralan, tinutulungan nila yung mga andun sa barangays.” giit pa ng Pastor.

Panuorin ang video sa ibaba:

Recommended For You

About the Author: root