We are proud trolls of Duterte, Not for the money, not for fame! Netizen ibinahagi kung paano siya binayaran ng Pangulo

We are proud trolls of Duterte, Not for the money, not for fame! Netizen ibinahagi kung paano siya binayaran ng Pangulo

Viral sa social media ang isang facebook post ng netizen matapos nitong ibahagi kung ano ang ibinayad ng Pangulong Duterte sa kanya matapos siyang maging ‘troll’.

Sa kanyang naging post, inamin nito na nung umpisa ay galit rin siya sa Pangulo dahil nasira umano ang kanyang hanapbuhay ng ma-upo si Duterte bilang Pangulo ng bansa.

Ngunit kalaunan ay na-realize niya umano na totoong tao si Pangulong Duterte at siya lang ang nagpatigil sa malalang kurapsiyon na nangyayari sa bansa.

“Pag-upo ni Duterte nung 2016, nainis ako sa kanya kasi nasira ang hanapbuhay ko. Pinahuli nya lahat ng colorum kaya napilitan ako mag-iba ng hanapbuhay. Pero narealize ko, this president is FOR REAL. Alam nman ng lahat na ilang dekada ng corrupt ang LTFRB at LTO. Wala nga lang leader na may bayag para bumangga dito.” saad pa nito.

Inamin rin nito na isa siyang ‘TROLL’ ni Pangulong Duterte, ngunit hindi dahil sa pera, kundi dahil sa kanyang pagbabagong nagawa sa bansa.

“Totoo. Isa ako sa maraming TROLL ni Duterte. Pero ano bang pakialam ko kay Duterte? Ni hindi ko nga kilala yan eh. Kaya lang sa mga ginawa nyang pagbabago, bayad na kami noon pa.”

“Kung ako man ay isa sa mga TROLL ni Duterte, ito ay bilang pasasalamat sa kanya. 3 decades na corrupt ang gobyerno natin, ang magdeny nito, G*GO. Eto lang naman ang ilan sa mga binayad sa amin ni Duterte.” saad pa nito.

Inisa isa rin nito ang mga nagawang pagbabago ni Pangulong Duterte sa bansa simula nung maupo siya bilang Pangulo ng bansa.

  1. Boracay Rehab
  2. Manila Bay Rehab
  3. Driver’s license 5 yr expiration
  4. Passport 10 yr expiration
  5. Build Build Build
  6. Hindi man totally nawala, hindi na ganun katalamak ang droga.
  7. Tunay na leader na nagbunyag ng mga katiwalian ng mga malalaking isda sa bansa.
  8. Tunay na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
  9. After more than 30 years ngaun lang ako nakaranas na namigay ng cash assistance ang gobyerno tulong sa tao sa panahon ng Covid 19. Partida. Nationwide ito hindi Leyte lang.
  10. Hinihintay ko na lang yung NATIONAL ID. 2018 pa pinirmahan pero may humaharang.

“Ito yung mga very significant na binayad nya sa amin. Although napakarami pang iba.”

“WE ARE PROUD TROLLS OF DUTERTE. NOT FOR THE MONEY, NOT FOR FAME. BUT FOR PROMOTING HIS GOOD DEEDS AND LEADERSHIP.” dagdag pa nito.