Willie Revillame hindi nagustuhan ang sinabi ni Roque: “‘Wag mo akong idamay,Baka ma-bash po ako. Nanahimik po ako”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN.

Ito’y kasunod sa paglalabas ng National Telecommunication Commissions ng cease-and-desist order laban sa naturang estasyon na naguu-utos na tumigil pansamantala sa pag-ere dahil expire na ang kanilang prangkisa.

Hindi rin maikakaila na laman ng social media at usap-usapan ang nangyaring pagsasara ng ABS-CBN sa social media man o kahit sa mga balita.

Kaya naging viral sa social media ang naging pahayag ni TV host-actor na si Willie Revillame tungkol sa sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos nitong magbiro tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Sa segment ng “Wowowin” naging panauhin ni Willie Revillame si Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa. Alam mo, duda ko, kaya ‘yung isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan e. Oh, aminin, aminin,” saad pa ni Roque kay Willie Revillame.

Hindi sinakyan ng host na si Willie Revillame ang naging pabirong sinabi na ito ni Roque at sinabing huwag siyang idamay sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na ‘yan. Doon ako nagsimula, doon ako nakilala, nasa puso ko pa rin ‘yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino. Kaya Sec, ‘wag mo akong idamay. Baka ma-bash po ako. Nanahimik po ako” sabi pa ni Revillame.

“Wag na nating pag-usapan ‘yan. Hindi natin pag-uusapan ang kahit anumang prangkisa. Ang pag-uusapan natin dito ay ‘yong ating hinaharap na kinabukasan” dagdag pa nito.