Yayariin ko kayo! Pangulong Duterte binalaan ang sangkot sa kurapsyon sa PhilHealth: “Kung nakalusot kayo sa ibang President o dito sa akin, sadsad talaga kayo”

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paparusahan ang mga mapapatunayang opisyal ng PhilHealth na sangkot sa kurapsyon.

Sa naging pagpupulong ng IATF sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi niya papalampasin ang mga kurakot na opisyal ng PhilHealth na mapapatunayang sangkot sa mga kurapsyon sa loob ng PhilHealth.

Ngunit nilinaw rin ng Pangulo na wala umanong dapat isipin o ikabahala ang mga inosenteng manggagawa ng PhilHealth.

“Huwag kayong magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko, yayariin ko kayo. Maniwala kayo. Yung mga inosente naman wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” saad pa ni Pangulong Duterte.

“Pero ‘yung mga ito, kung nakalusot kayo sa ibang President o dito sa akin, sadsad talaga kayo, maniwala talaga kayo and with the help of cabinet members ko,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaan na inutos ng Pangulo sa Department of Justice na imbestigahan ang umano’y kurapsyon na nangyayari sa PhilHealth.

Kamakailan lang ay nag file ng medical leave ang namumuno sa PhilHealth na si Ricardo Morales matapos magdesisyon ng Senado na imbestigahan ang nangyaring kurapsyon sa PhilHealth.

“If you look at the history of this corporation, ang bilis magpalit ng CEO, causing delays. I did not want to resign, because we will be implementing Universal Health Care law, and then we were hit by COVID. It is not wise to change the course in the middle of the road,” saad pa ni Morales sa naging interview ng CNN.

“But nature has intervened. I will take the doctor’s advice. I already relayed to my boss my intentions. It is up for them to decide. It is medical leave,” dagdag pa nito.