Yeng Constantino nahaharap sa kasong cybercrime, Surigao del Norte court naglabas ng arrest warrant para sa singer

Regional Trial Court ng Dapa, Surigao Del Norte naglabas ng warrant of arr3st laban sa Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino.

Nahaharap ang Singer sa kasong cybercrime na isinampa laban sa kanya ni Dr. Esterlina Tan. Ito ay kaugnay sa controversial Youtube vlog na ibinahagi ni Yeng noong July 2019.

Ayon sa vlog ni Yeng, ininireklamo nito ang diumano’y delay at insensitive remarks ng doktor na in-charge sa pagsusuri ng asawa ng singer na si Yan Asuncion sa Dapa Siargao Hospital.

Naaksidente ang asawa ng Singer matapos itong mag-cliff diving sa isang lagoon sa Siargao. At dahil doon ay nakaranas umano ang kanyang mister ng temporary memory loss.

Dahil sa natanggap nitong bashing galing sa mga netizen. Agad naman humingi ng dispensa ang Singer sa doktora at iba pang nasaktan sa mga nasabi niya sa vlog.

Inaupload ng isang netizen na nagngangalang Chrismar Lumasag Mocorro sa facebook page na Opportunities for Doctors PH ang kopya umano ng naturang warrant of arr3st kay Yeng.

Ayon sa kanyang post, “Hello fellow doctors. This is posted with consent from Dr. Esterlina Tan.”

“She is asking for help from the medical profession because there was no action to the said warrant dated December 12, 2019 for Ms. Yeng Constantino.This is a landmark case for cyberbüllying and cybershâming for the medical profession and winning this case is a win for all of us. Any news for this?” dagdag pa nito.

Recommended For You

About the Author: root