“You are only feeding your ego!” Senate President Sotto slams people posting their philanthropic activities on social media

Naging viral sa social media ang naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na kung saan binatikos nito ang mga taong ipinapangalandakan ang ginawang pagtulong sa social media.

Ayon pa sa kanyang tweet, kung gusto umano ng mga tao ang tumutulong sa kanilang kapwa, mas makakabuti umano na huwag nalang nila ilagay sa social media dahil mabibigyan lang umano ito ng ibang meaning.

Ayon pa sa senador, ang mga taong nag popost sa social media habang tumutulong sa kapwa ay dahil mas inaalala nila ang kanilang mga “ego”.

“If you want to feed the hungry, then feed the hungry. But the moment you post it on social media, you are only feeding your ego!” saad pa ng senador.

Agad naman nagkomento ang mga followers ng senador sa kanyang tweet.

“Sir, we would appreciate it if you would just h1t it straight. Dont go around the bush. Dont make statement that open to interpretation. Mas gusto ng tao yung prangka, puti kung puti, itim kung itim. Walang grey.” saad pa ng isang netizen.

“It depends on one’s motives. After all, we are in the Information Age.. Information is the new currency.. Some use it for accountability, others as an invitation or summons to do better” sabi rin ng isang netizen.

Hinamon rin ng isang netizen si senador sotto na pangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy.

“Kung may bayaåg ka pangalanan mo! Gawain mo rin yan pag eleksyon, suhol mo ALDUB kapalit ng b0to! IMPOKRITO KA!” saad pa ng isang netizen.

Sa naging pahayag ni Sen. Sotto kamakailan lang, sinabi ng senador na ang pagtulong sa kapwa ay dapat walang hinihintay na kapalit.

“Mga kababayan, bilang Pangulo ng Senado, nais ko po, una sa lahat, pasalamatan ang lahat ng ating mamamayan lalo na ang mga tagapangalaga ng kalusugan na tumutulong ng taos puso at walang pagyayabang. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit o papuri ang tunay na dakila,” saad pa ng senador.

“Para naman dun sa ilang kababayan natin na nagyayabang at mahilig maghamon sa mga Senador at pulitiko na lumabas at tumulong sa kapwa, sana mahimasmasan kayo at magkaroon ng tamang katinuan,” dagdag pa nito.