“‘Yung misis mo, h’wag mo masyadong gamitin sa mga palusot mo” Jinggoy Estrada slams Mayor Zamora

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa ginawang paglabag umano ni San Juan City Mayor Francis Zamora matapos nitong baliwalain ang ginawang quarantine checkpoint ng Baguio City.

Dahil dito, hindi napigilan ni dating senador Jinggoy Estrada na batikusin ang ginawa ng alkalde ng San Juan City na kung saan tinawag niya itong ‘Boy Baguio’.

Ayon pa kay Estrada, hindi umano siya naniniwala na nakatulog sa byahe ang alkalde, at napaka imposible umano na hindi siya ginising ng kanyang mga bodyguard dahil sinusundan na sila ng mga pulis.

“Siyam na kilometro pa ang layo ng triage o ‘yung checkpoint na tinatawag natin hanggang sa Baguio Country Club… Mga kababayan imposible kung talagang tulog siya o nagtutulog tulugan, imposibleng hindi siya ginising ng mga bodyguard niya dahil sinusundan na sila ng mga pulis,” saad pa ni Estrada sa kanyang live video nitong Lunes.

Sa naging pahayag ng alkalde ng San Juan sinabi nito na kinakailangan umano ng kanyang asawa na magpahinga dahil sa stage 3 cancer kaya mas pinili nila ang Baguio City.

Ayon pa kay dating senador Estrada, mas pinalala lamang umano ng alkalde ang sitwasyon dahil mas inilagay niya umano sa panganib ang kanyang asawa.

“Pumunta raw sila sa Baguio dahil magpapahinga ang kanyang asawa sa Baguio… alam mo Boy Baguio, ang asawa mo mayroon pong sakit, sinabi mo may cancer ‘yung mga tao na may sakit like cancer, diabetes, high blood, respiratory illness this people are the most vulnerable sa COVID-19,” saad pa nito.

“If you are in the right mind Mr. Mayor, you should not be brought your family much less your wife to Baguio, she’s very vulnerable with condition she is right now, dapat hindi mo siya dinadala dahil isang exposure lang yan, kasi ‘yung mga taong may sakit mahina ang immune system niyan lalo na ang asawa, kung mahal mo ang asawa mo dapat pinagpahinga mo muna sa bahay niyo” dagdag pa ng dating senador.

Nanawagan rin si Jinggoy Estrada kay Zamora na tigilan ang paggamit sa kalagayan ng kanyang asawa.

“Sinabi mo noong November, cancer free na ‘yung misis mo tapos now sinasabi mo na may medical treatment?”

“Mayor kawawa ‘yung misis mo, h’wag mo masyadong gamitin sa mga palusot mo,” dagdag pa ni Jinggoy.

Oh Baguio!

Posted by CitiSen Jee on Monday, June 8, 2020