Zsa Zsa Padilla may panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte: “President Duterte, parang awa nyo na”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa kurapsyon umano sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Maraming mga kilalang personalidad ang nadismaya sa nangyaring kurapsyon sa loob ng PhilHealth kaya naman hindi sila nagdalawang isip na maglabas ng sama ng loob sa kanilang mga social media accounts.

Isa na nga jan ang batikang mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla na kung saan nanawagan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad imbestigahan ang nangyari sa loob ng PhilHealth.

Sa kanyang twitter post, sinabi ni Zsa Zsa na nagtatrabaho ang mga Pilipino upang may mailaan para sa kanilang health insurance para wala na silang aalahanin kapag sila ay nagkasakit.

“Para yan sa kalusugan ng taong bayan na pinagtrabahuhan. Ano na, Philhealth?! Ibalik nyo ang pera!!!” saad pa ni Padilla.

“Imbestigahan yan ng maiigi at sana ipakita sa atin ng ating Pangulo na talagang maimbestigahan ng maiigi at maipakulong ang mga magnanakaw!!! President Duterte, parang awa nyo na” dagdag pa nito.

Nag komento rin si Zsa Zsa sa naging tweet ni Dan Villegas na kung saan kwenistyun nito kung bakit tahimik umano ang mga ‘trolls’ sa isyu ng PhilHealth.

“Affected kasi lahat. Para lang tayong naghulog sa bulsa ng mga magnanakaw. At pag tayo nagkasakit, waley,” saad pa ni Zsa Zsa.

Ayon pa kay PACC Greco Belgica, Nahaharap sa kaso ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa nangyaring kurapsyon.

“There’s no one big maf1a in PhilHealth but rather many groups in regions. It’s like territ0rial. If you remember the PDAF scam… it’s similar to this. In every region, someone has a territory because the system allows frâUdulent claims to exist,” saad pa ni PACC Belgica.

“The bulk of the transactions of PhilHealth happens at the regional level. If you remember, the entire board was fired by the President last August and yet c0rruption still persisted in PhilHealth…That’s really where the fraud is happening.” dagdag pa nito.